Barangay Official Logo


Barangay Munting Batangas, Balanga City, Bataan

Ang logo ng Barangay Munting Batangas ay nagpapakita ng mga sumusunod:

1. Mayamang lupain at bulubundukin – Ito ay sumasagisag sa kayamanang nagbibigay ng kabuhayan sa karamihan ng naninirahan dito. Ang pangunahing hanapbuhay dito ay ang pagsasaka at ang Patrong si San Isidro Labrador ay malaking inspirasyon sa mga magsasaka sa Barangay na ito upang patuloy na magsikap na mapaunlad ang mga bukirin.

2. Puno ng Niyog – Ito ay isa sa mga unang halamang itinanim ng mga ninuno sa Barangay na ito. Ito ay sumasagisag sa puno ng buhay na nagbibigay ng maraming pakinabang sa atin.

3. Iba’t ibang prutas at gulay - Ito ay sumasagisag sa ilan pang mga pananim na napagkukunan ng ikabubuhay ng karamihan sa mga naninirahan dito. Ilan dito ay ang kalabasa, pakwan, mangga, upo, sitaw, patola, atbp.

4. Kalabaw – Ito ay sumasagisag sa mga taong naninirahan dito. Sila ay may angking kalakasan ng katawan at kasipagan. Sila ay mapagpunyagi, matiisin at may determinasyon sa mga bagay na kanilang ginagawa.

5. Watawat ng Pilipinas – Ito ay sumasagisag sa pagkilala at paggalang sa ating pamahalaan bilang tagapanatili ng kaayusan, katahimikan, kalinisan ng kapaligiran, at kaagapay sa lahat ng pangangailangan ng Barangay.

Comments