Barangay Hymn

BARANGAY MUNTING BATANGAS HYMN

 

I

 

Simpleng pamayanan na may luntiang kapaligiran

Kaaya-aya na dito ay manirahan

Taas noo aming kinakarangal

Aming Barangay na bigay ng Poong Maykapal

 

II

 

Munting Batangas ang Barangay naming

Minamahal

Kaayusan, buhay na payapa dito’y aming taglay

Edukasyon at kalinisan

Ito’y mahalaga kaya’t pingangalagaan

 

KORO:

 

Sama-sama ang lahat sa pagtupad ng pangarap

Na ang aming Barangay ay lalong maingat

Sa taglay na sagana laan sa bawat isa.

(tigib ng ligaya laan sa bawat isa)

 

III

 

Munting Batangas ang Barangay naming

Minamahal

Mamamayan dito’y may simpleng pamumuhay

Pagkakaisa, pagmamahalan

Tiwala sa Diyos, susi sa biyayang taglay.

(ulitin ang Koro)

 

Comments